PLUMA BLOGS

Pluma Migrant Writers Guild. "Write to be heard."

Day off

Para sa mga araw na sabi ni bossing tanga ka
Sa mga gabi na tinitingnan mo ang mapa
Mga sana nandun ka
At sana nandito siya
Idadaan kita sa kape ngayong umaga

Para sa mga tanghaling ‘di mo alam kahit lasa ng tubig
Sa mga panahong wala kang oras sa pag-ibig
Bangon, ligo, kayod, tulog
Ngayong umaga,
ang katapat mo’y nilagang itlog

Sa mga segundong binibilang bago makauwi
Oras natin ‘to, ngayon tayo babawi
Isandaang eroplano ang lumipas
Nakakatayo at nakakalakad,
Konti na lang, Pinas

Isang linggong pagbabatak ng buto,
May isang araw kang sa’yo
Kung may trabaho pa ba bukas ay ‘di ko muna iisipin
Magulang kong may sakit, saka ko na didibdibin
Ikukumpisal lahat sa pritong tocino at pritong saging
Sa sinangag, bawang at asin
Sa harap ng keso at puto ako magrereklamo
Napatawad ko na lahat paglagok ko ng Milo

Pagkakain, ako’y muling matutulog
‘Di ko alam ang pangalan mo sa ilalim ng unan at kumot
Kakalimutan ko ang mga hinihintay na oo
Kakalimutan ang bayang sinilangan at kunot ng iyong noo
Kakalimutan ang mga planong magpayaman at mga bagay na, hanggang plano na lang
Teka, ‘pano ba ‘yan?
Oras na ng tulugan.
Galit-galit muna tayo, mga kaibigan.

Ngayong araw na’to, ako’y dahan-dahang gigising
Tutulala hanggang wala na’kong kayang isipin
Magsasayaw papunta sa banyo, maliligo ng tatlong oras
Sasabihin ng gripo, “Dito’y ‘di uso ang puso at bulsang butas.”

T-Shirt na nanenok kay Dikong
Boxer shorts na “hiniram” kay kuya
Sige, larga
Ang babae nama’y ginawa nang walang panty at bra

Bitbit ang tsaa at gitara
Sa veranda, ako at ang katahimikan ay iisa
Sa pagitan ng mga kanta, walang sino at sila
Tanging ako at tunog ng ibon na sumasabay sa’king tipa

Taas paa kong sasalubungin ang sumisikat na pag-asa
Nagawa mo na’to dati, uulit lang naman sa umpisa, ‘di ba?
Kalmahin ang sumisigaw na damdamin
Kusang bubulong ang hangin,
“Dahan-dahanin mo lang, Gian. Dahan-dahanin.”

-Gian Gutierrez

Advertisements

About plumablogs

Pluma Blogs is the official blog of Pluma Migrant Writers Guild. It is an online space where Pluma writers and guest writers publish articles on relevant topics. To read more about Pluma‘s latest activities, publications, and news, please visit Pluma Migrant Writers Guild‘s official website at http://plumawriters.org.

Rant here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your awesome email address to follow Pluma Blogs and receive notifications of new posts by email.

Join 13 other followers

Follow PLUMA BLOGS on WordPress.com

Connect on Instagram

From "A message from our pockets" by Armineonila M. Read more at www.plumablogs.org.
#creativewriting #literature #poem #poetry #plumawriters #migrantwriters #migrationliterature #writer From "Apolitical Intellectuals" by Otto Rene Castillo. Read more at www.plumablogs.org

#poetry #ottorenecastillo #poem #apolitical #intellectual #revolutionary #literature #creativewriting Excerpt from "Tiredness" by Wilfred Waters. Read the poem here https://plumablogs.org/2017/01/31/tiredness/

#plumamigrantwriters #plumawriters #migantworker #literature #poetry #poem #creativewriting Kiko has a lot to tell you about his past. Meet him soon at www.plumawriters.org. 
#plumamigrantwriters #migrantwriters #literature #poetry #prose #fiction #intermedia #visualart #art #book

Connect on Twitter

Pluma Migrant Writers Guild’s Official Website

Create your own online store

Member of The Internet Defense League

%d bloggers like this: